- 歌詞
- 專輯列表
Apple Abarquez
-
Limang Dipang Tao
Limang dipang taong nagtutulakan Sa Avenidang aking napagdaanan Nag-aabang ng masasakyan Patungo kung saan di ko malaman
Sa aking jeepning sinasakyan Mayroong natanaw na mama Sa dinami-raming nagdaraan Ikaw pa ang nakita... Ikaw pa ang nakita, may kasamang dalaga
'Para mama, dito na lang, Bababa na ako...' 'Para mama, dito na lang, Heto ang bayad ko...' 'Para na sabi, para na sabi, Para mama para na diyan sa tabi...'
Limang dipang taong nagtutulakan Ang dinaanan ko sa paghabol sa iyo Tinatanaw ang pag-akay mo Sa babaeng pinagseselosan ko
Sa pagmamadali ay nadapa ako Sa bangketang kinatatayuan ninyo Lumapit ka at tinulungan ako At kita'y tinitigan, mga mata'y nagkabanggaan Ano ba itong naramdaman?
'Sorry, mama, pasensiya ka na! Akala ko'y asawa kita...' 更多更詳盡歌詞 在 ※ Mojim.com 魔鏡歌詞網 'Sorry, mama, pasensiya ka na! Sorry at naabala kita...' 'Sorry na sabi, sorry na sabi Sorry mama sorry at napagkamalan ka!' 'Sorry at napagkamalan ka!'
Limang dipang taong nagtutulakan Sa Avenidang aking kinatatayuan Nag-aabang ng masasakyan Patungo kung saan di ko malaman
Limang dipang taong nag-uunahan Sa uunting sasakyang nagdaraan Sayang ang jeepning kanina'y lulan At ngayo'y nagsisisi sa aking pagbubusisi Malaking pagkakamali
'Para, mama, sasakay po Limang dipang taong nagtutulakan' 'Para, mama, sasakay po Limang dipang taong nag-uunahan' 'Para na sabi, para na sabi, Para mama, para na dyan sa tabi.'
'Para na sabi, para na sabi, Para mama, para na dyan...' 'Para na dyan... sa tabi.' 'Para na sabi... Para na diyan sa... tabi'
-
|